5 Food Business Para sa Iyong Tindahan

Ang sari-sari store ang pinaka patok na small business sa bawat sulok ng Pilipinas. Bukod sa pagiging parte ng ating kultura, malaki ang tulong ng sari-sari store para sa mga mamimili nito at sa mga nagnenegosyo. Kung ikaw ay naghahanap ng paraan para palaguin ang iyong sari-sari store, ay magandang idea ang magdagdag ng food business sa iyong tindahan!

Ito ang Top 5 Food Business na maaari mong ilagay sa iyong sari-sari store!

1. Street Food Merienda

Hindi mawawala sa bawat barangay ang classic fishballs and kwek-kwek. Bukod sa pagiging mura at masarap na pantawid-gutom, hindi rin maikakaila na isa itong madaling negosyo.

Maliit lamang ang puhunan na kailangan mo para magsimula ng Filipino street food merienda. Very affordable ang mga ingredients and prepared frozen goods nito. A capital anywhere from 500 to 1000 pesos is enough to get you started with this business.

Madali lang rin ang mga equipment at mga facilities na kailangan. Kalan, kaldero, plastic cups, at barbeque sticks lang ay sapat ng panimula at makikita na sa inyong mga bahay.

2. Milk Tea

We cannot deny na parte na ng Filipino merienda ang milk tea. The best part is, siguradong patok na food business ito kung saan ka man nakatira! Depende sa iyong puhunan at branding ang magiging presyo and eventual income ng iyong milk tea business. We suggest doing a market analysis kung mas importante ba ang affordability or quality of taste para sa mga mamimili.

Siguraduhin ring maging wit-tea sa iyong Milk Tea business name!

3. Pancakes & Mini Donuts

Another rising star sa local food industry ay ang mini pancakes and mini donuts. Huwag ma-intimidate sa pagsisimula ng pancakes and mini donuts business, marami nang equipment at negosyo packages na makakatulong sa inyong magsimula ng unique business na ito!

Ang mahalagang dapat i-consider when starting this business is the flavors that you want to cater. Ilan sa mga pinaka patok at mabiling mga flavor ay strawberry, chocolate, at ang white chocolate. Make sure to find a trustworthy and affordable supplier para higit na mas maka-mura sa inyong starting puhunan.

4. Coffee

Sino bang hindi magccrave sa malamig na iced coffee tuwing mainit ang panahon? Teenagers man o working age, talagang maraming Pilipino ang mahilig sa pagkonsumo ng iced coffee. Isa rin itong business na ilang overhead costs lamang ang kailangan, katulad ng coffee maker (for small business) or espresso machine (for bigger businesses), at disposable food packaging.

Hindi problema kung hindi pa kayang magpa-customize ng packaging at the very start. Ang mahalaga ay to develop a recipe na kahihiligan at mamahalin ng iyong mga customers. You can eventually improve your business with branding and packaging once it grows.

5. Siomai and Dimsum

Ang number one na hinahanap-hanap ng mga estudyante! The best part about a siomai business is the less hassle in terms of preparation compared to other businesses on the list. If you buy pre-packed and frozen siomai, all you need to do is pop it in the steamer and you’re set for the day.

Kung ikaw ay nakatira malapit sa school zone, mainam rin na magprepare ng rice cooker in your siomai and dimsum stall para sa killer-combo na siomai rice!

Hindi kailangan ng malaking puhunan para magsimula ng iyong small business ideas. Ang mahalaga ay ang diskarte, pagpupursigi, at abilidad sa buhay!